PASOK na sa playoffs ang defending champion Miami Heat kahit may 22 games pa silang lalaruin.
Nasiguro nila ang playoffs matapos ang 102-93 panalo kahapon laban sa Philadelphia 76ers kasama ang paglista ng 17-game winning streak sa nagaganap na 2012-13 National Basketball Association, (NBA) regular season.
Hawak ng Heat ang 46-14 win-loss slate at nananatiling nasa tuktok ng Eastern Conference.
Ganumpaman, may pakay sila bukas ng umaga, ang makabawi sa Indiana Pacers na dalawang beses na silang tinatalo sa season na ito.
Bibisita ang Pacers sa Miami para sa kanilang ikatlong paghaharap matapos matalo ng dalawang beses ang Heat ng dumayo sila sa Indiana.
Nakatutok ang Heat para sa kanilang 18 sunod na panalo at 14th game home win at pagwawalis sa tatlong meeting ang plano ang Pacers.
Pangungunahan ni basketball superstar LeBron James ang Miami habang si All-Star member Paul George ang kakapitan ng Pacers.
Samantala, kahit wala sina Carmelo Anthony at Amar’e Stoudemire ay nagawa pa ring manalo ng New York Knicks laban sa Utah Jazz, 113-84 kanina.
Matapos ang panalo ay bumalik sa second spot ng EC ang Knicks bitbit ang 38-22 karta.
Sa ibang NBA resulta, sinilat ng Milwaukee Bucks ang Golden State Warriors, 103-93 habang patuloy ang pamamayagpag ng Denver Nuggets matapos kaldagin ang Minnesota Timberwolves, 111-88.
Nilista ng Nuggets ang kanilang 13-game streak sa home.