BINATIKOS ngayon ng isang kongresista ang Malaysia dahil pagbasura sa panawagan ng tigil-putukan sa royal army.
Binigyang diin ni Bayan Muna Rep. Teddy Casino na dapat tumugon ang Malaysia ng tigil putukan bilang kaisa sa isinusulong na usaping pangkapayapaan sa Mindanao.
Ngunit lumalabas aniya na taliwas sa pagsuporta nito sa peacetalks sa Mindanao ay patuloy naman ang pagtugis at pagpatay sa mga Pilipino na miembro ng royal army ng Sultanato ng Sulu.
Naunang tumanggi si Prime Minister Najib Razak sa panawagan tigil putukan at sa halip ay iginiit nito ang pagsuko ng walang kondisyon ng grupo ni Sultan Jamalul Kiram III sa Sabah.
Taliwas aniya sa Sultan ng Sulu na agad tumugon sa panawagan ng United Nations at nagdeklara na ito ng ceasefire bilang pagpapakita ng sinseridad sa pagkakaroon ng negosasyon para maresolba ang isyu sa Sabah.
Kasabay nito ay umapela si Casino kay Pangulong Aquino na magkaroon ng dayalogo kay Sultan Jamalul Kiram III upang makahanap ng solusyon sa nasbaing isyu.
Naghain na rin si Casiño ng House Resolution 3042 para paimbestigahan ang naganap na gulo at House Resolution 3043 para ipa-abot ang isyu sa International Court of Justice.