Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

3 kelot na tulak nalambat ng PDEA

$
0
0

NALAMBAT ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tatlong kabataang lalaki sa isinagawang entrapment operation laban sa ipinagbabawal  na  droga nitong nakalipas na  March 6, 2013 sa Cebu.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang mga nahuling suspek na sina Spencer Ochea Malingin, 23, Sean Micheal Patao Tañan,18, at Alfie Tagra Daño, 23 walang hanap-buhay at pawang residente ng  Lapu-Lapu City,sa Cebu.

Nakumpiska sa tatlo ang 2 sachet ng shabu matapos nilang bentahan ang isang poseur buyer ng PDEA Regional Office 7 (PDEA RO7) Lapu-Lapu City Sub-Office,sa pamumuno ni Director Julius Navales sa inilunsad na buy bust operation sa Sitio Humay-humay, Barangay Pajo, Lapu-Lapu City.

Nakuhanan pa ng karagdagang 53 sachets ng shabu habang tig-sampung sachet ang nakuha kina Malingin at Daño, habang 33 sachets naman ang nakuha kay Tañan matapos silang kapkapan ng mga operatiba.

Nakapiit ang tatlo sa Lapu-Lapu City Police Office matapos silang kasuhan ng paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), in relation to Section 26 (Conspiracy to Sell) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II of the Republic Act 9165, na kilala sa tawag na  Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>