HINDI sa Commission on Elections (COMELEC) dapat patunayan ng dalawang bagong talagang komisyonado ang kanilang kakayahan at integridad kungdi sa taumbayan.
Ito ang naging panawagan sa kanila ni Cagayan Rep. Jack Enrile sa pagsasabing “It’s up to the new Comelec Commissioners to prove their critics wrong. They should be beholden to the people and not to the appointing authority who named them to their present posts.”
Itinalaga ni Pangulong Aquino bilang mga bagong commissioners ng COMELEC sina election lawyer Bernadette Sardillo at dating ambassador at Lanao del Norte Rep. Macabangkit Lanto .
Pinalitan ng dalawa ang kareretirong sina Commissioners Rene Sarmiento at Armando Velasco.
Sa kanilang pag-upo ay umani na ng batikos ang dalawang commissioners ngunit naniniwala si Enrile na dapat patunayan ng mga ito ang kanilang kakayahan sa taumbayan.
Hindi aniya marapat na doon sa kung sino ang nagluklok sa kanilang sa bagong pwesto dapat magpasiklab sina Lanto at Sardillo kungdi sa taumbayan.
“Their job is to uphold the integrity, independence, and impartiality of the Comelec, and ensure that the upcoming midterm elections in May will be fair, honest, and credible,” ayon kay Enrile.