Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Baggage loader sa MIAA, tiklo sa pang-uumit ng laptop

$
0
0

ISANG baggage loader ang nahuling may dalang laptop computer na umano’y binuriki nito sa bagahe ng isang papaalis na pasahero ng KLM Airlines, ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA) kahapon.

Hinarang ang suspek na si Rommel Pedrena, 33, makaraang makapkap ang laptop sa kanyang katawan habang nagsasagawa ng frisking ang guwardiyang si Allan Albert ng Lanting security.

Ang kanyang kasamang si Rodmar Maquiling, 24, na isa ring baggage loader ay naaresto sa isang follow-up operation na isinagawa ng Airport Police Department intelligence division.

Ayon kay assistant general manager for Security and Emergency Services Salvador Penaflor, ang dalawang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Article 308, o theft, sa Pasay City prosecutor’s office.

Batay sa airline offices, ang kasong pilferage ang pangkaraniwang problemang kinakaharap tuwing magkakarga ng bagahe sa eroplano.

Hinala ng airlines nagaganap ang pagnanakaw sa loob ng eroplano kung saan ang mga loader ay siyang awtorisadong tao na makakaakyat sa loob ng eroplano para ayusin ang mga bagahe sa loob.

Dahil sa kawalan ng video camera sa lugar, ilang buktot na kawani ang nagsama-sama para gawin ang pagnanakaw.

Sinabi ni Penaflor na balak ng MIAA na maglagay ng high-level security cameras na malayo ang maaabot para makita ang ginagawa ng mga trabahador habang iniaakyat ang mga bagahe sa eroplano.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>