BINAWIAN na ng buhay ang 54-anyos na mister na pinalo ng isang lalaki ng skateboard sa mukha kagabi sa Timog, Quezon City.
Namatay habang ginagamot sa East Avenue Medical Center ang biktimang si Arnel Ilbas.
Nabatid na 1:00 ng madaling-araw kahapon nang makaaway ng biktima ang isang Junden Romulo na siyang pumalo sa kanya ng skateboard sa mukha.