PATULOY pang ginagamot ang isang ABC president sa Langiden, Abra makaraang tambangan ng hindi nakilalang kalalakihan kanina.
Kinilala ang biktima na si ABC Pres. Artemio Donato, barangay captain ng Barangay Nalnas, Langiden, Abra.
Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang pulisya sa naganap na pananambang upang matukoy kung sino ang mga salarin.
Matatandaang noong nakaraang buwan ay tinambangan na rin ang ABC president sa kanilang tahanan ngunit masuwerteng walang natamaan sa pamamaril ng mga ito.