KULONG ang isang misis nang magnakaw ng apat na kahon ng salonpas sa isang supermarket sa Malasiqui, Pangasinan.
Kinilala ang suspek na si Erlinda Sapalaran, 52, huli sa aktong ipinupuslit ang mga kahon ng nabanggit na produkto na nagkakahalaga ng P3,600.
Paliwanag ng suspek na nagawa lang niyang magnakaw para magkapera.