BANGKAY nang palutang-lutang sa ilog ang 13-anyos na nene na pinatay matapos gahasain sa Magpet, North Cotabato.
Kinilala ang biktima na si Carmela Salundag, natagpuang palutang-lutang ang bangkay sa ilog sa Barangay Bangkal.
Lumalabas na dinukot si Salundag ng hindi nakilalang mga lalaki sa Barangay Ilian habang pauwi mula sa eskwela nitong Lunes.
Namatay ang biktima dahil sa malakas na hampas sa ulo ng matigas na bagay.