PATAY ang isang mister nang magbaril sa sarili makaraang awayin ng kanyang misis na nasa Hong Kong sa hindi pa malamang dahilan sa Bolinao, Aurora, Isabela.
Kinilala ang biktima na si Victor Santos, 42, isang magsasaka.
Lumalabas na bago nagpakamatay ang biktima ay kausap nito ang kanyang misis na si Evelyn na nagtatrabaho sa Hong Kong.
Ayon sa kapatid ni Victor na si Armand, matapos niyang marinig na nag-away sa telepono ang mag-asawa ay nagtungo ang kanilang ina sa bahay ng kapatid para alukin ng pananghalian ngunit pagdating sa bahay ay nagbaril na ito sa sarili.
Nakuha sa tabi ng biktima ang isang homemade short firearm na walang serial number at isang empty shell.