NATAGPUAN umano ang sulat ni Raja Mudah Agbimuddin Kiram para kay Pangulong Benigno Aquino III sa Department of Foreign Affairs.
Sa report sa radyo, inako ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario ang lahat na responsibilidad sa pagkawala ng naturang liham ni Raja Mudah kay Pangulong Aquino noong 2010 upang makilahok sila sa usapaing pangkapayapaan.
Magugunitang, iginigiit ng Pamilya Kiram nitong nakalipas na lumiham sila sa Pangulo tungkol sa isyu sa Sabah ngunit napaulat na ito ay nawawala.