NAMAYAPA na si Venezuelan President Hugo Chavez, 58-anyos matapos ang dalawang taong pakikipaglaban sa sakit na cancer.
Sa ulat ngayong umaga sa radyo, mismong si Venezuelan Vice President Nicolas Maduro ang nag-anunsyo nito sa mga local at international news agency.
Nagluluksa ngayon ang mga mamamayan ng Venezuela sa pagyao ng kanilang lider.
Unang nakilala si Chavez nang tangkaing magkudeta noong 1992 laban sa mga korap na pinuno ng kanilang bansa.
Nadakip at nakulong si Chavez ngunit pinalaya rin matapos ang dalawang taon.
Tatlong beses siyang nahalal na Pangulo at ang una ay noon 1998. Kanyang tinutukan ang pagpapayaman ng langis.
Sa pagpanaw ni Chavez ay natuldukan din ang 14-taong paghahari niya sa naturang bansa.