Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Tirador ng mga taxi driver, nasakote

$
0
0

NASAKOTE na ng mga pulis ang isang lalaki na sinasabing holdaper ng mga taxi driver sa isinagawang follow-up operation Sabado ng gabi, Marso 2.

Nakilala ang suspek na si Henrick Igot, 40, ng PNR cmpd., ng lungsod habang inaalam na kung sino ang kasama sa mga panghoholdap ng mga taxi driver.

Batay sa ulat, dakong alas-10 ng gabi nang madakip ang suspek sa kanilang bahay sa nasabing lugar matapos makatanggap ng impormasyon ang mga pulis na ang suspek ang mga nanghoholdap at tumatangay ng mga nabibiktimang taxi.

Positibo naman kinilala ni Protextato Labola, 35, ng Veterance Bagong Silangan, Quezon City ang suspek na siyang nangholdap sa kanya noong Marso 1, 2013.

Sinabi pa ng biktima na dakong alas-11 ng gabi nang maisakay niya ang suspek kasama ang isa pa sa Aurora Cubao at nagpahatid sa Caloocan City.

Katabi ng biktima si Igot habang nasa likod ang isa pang kasama at pagsapit sa Samson Road, Caloocan City ay nagdeklara ng holdap ang mga suspek.

Kinuha ng mga suspek ang kita ng biktima na aabot sa P4,400, ang isa cellphone bago pinababa ang huli at pinahururot papatakas ng mga suspek ang Toyota Corolla (TWG-720) taxi.

Nakita naman ang taxi na nakaparada sa D. Aquino st., dakong alas-11 kaninang umaga.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


PAGBABATA


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Long Mejia may sex scandal


Ivana Alawi itinanggi ang pagbibigay ng umano’y escort service


Traffic enforcer, todas sa pamamaril sa Parañaque


Ibong Adarna Script


MAMIYAPIS


DUMARATAL


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar


Inambus na ex-mayor naibulong ang killer bago natigok


Toni at direk Paul, tuloy na ang kasalan!


PAKIALAMERONG DIREKTOR NG NORTH CEMETERY


Pipi’t-binging tomboy, dinalirot ng pinsan


I love you, goodbye: Babaeng nag-I love you sa katawagan, ginilitan ng...


KUDA


HAWI


DELEGADO


KANTUTAN


Liza Soberano, kinaiinisan na agad



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>