Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Biktima sa bus accident sa Benguet, inilipat sa QC

$
0
0

NASA Orthopedic Hospital sa Quezon City ang isa sa mga sugatang pasyente sa madugong bus accident sa Marcos Highway, Tuba, Benguet na ikinamatay ng walo at ikinasugat ng 33 na iba pa.

Mula sa Intensive Care Unit (ICU) ng Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC), naisakay ang pasyenteng si Florilyn Zulueta sa ambulansiya at dinala ito sa Quezon City, kasama ang kanyang kapatid na si Floro at ang kanyang doktor na si Dr. Michael Paluta.

Ayon sa BGHMC, nakasemento ang kaliwang kamay ni Florilyn dahil sa tinamo nitong bali.

Gayunman, tiniyak ng ospital na nasa ligtas ng kalagayan ang pasyente at nakakapagsalita na ito.

Matatandaang si Florilyn ang pinakahuling pasyente na inilabas mula sa BGHMC matapos makauwi na sa Marinduque ang ilan pang estudyante na sugatan sa nasabing aksidente.

Nananatili namang nakakulong sa Benguet District Jail ang driver ng bus na si Roger Albayalde na nahaharap sa patong-patong na kaso.

Naganap ang aksidente noong Pebrero 21, matapos sumalpok ang tourist bus sa kasalubong nitong isang trailer truck dahil sa nawalan ito ng preno.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>