PATAY ang isang truck helper nang pagtulungang sakskain ng kanyang kaaway kaninang madaling araw sa Tondo, Maynila.
Idineklarang dead on arrival sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Justine Mangalonzo sanhi ng sa saksak sa dibdib at katawan.
Tinutugis naman ng pulisya ang mag suspek na nakilalang lamang sa tawag na ‘Jose’ at ‘Negra’ na kapwa nakatira sa ilalim ng tulay ng Raxa bago Street Tondo, Maynila na mabilis tumakas matapos ang insidente.
Sa report ni SPO2 Milbert Balingan ng Manila Police District-homicide section, dakong 2:20 ng madaling araw ng maganap ang insidente sa C-2 Capulong Bridge, Capulong Highway, Tondo, Maynila.
Sa imbestigasyon, hinamon umano ng suntukan ng suspek na si Jose ang biktima sa naturang lugar na nanging dahilan para umuwi ng bahay si Mangalonzo at kumuha ng kahoy.
Si Jose naman ay armado ng patalim na nakalagay sa kanyang tagiliran.
Pagbalik ng biktima ay saka naglabo-labo at nang makakuha ng tiyempo si kose ay sinaksak sa katawan at dibdib ang biktima na sanhi ng kanyang kamatayan.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente