PINAKAKASUHAN na ng Department of Justice ng reckless imprudence resulting in multiple homicide and attempted homicide ang 9 na miyembro ng 19th Infantry “Commando” Battalion ng Phil Army kaugnay ng pagkakapaslang sa aktibistang botanist na si Dr Leonard Co at dalawang iba pa.
Sa resolusyong inilabas ng DOJ, pinakakasuhan ng kasong kriminal sina 1Lt Ronald Odchimar, Cpl Marlon Mores, Pfc Albert Belmonte, Pfc William Bulic, Pfc Elmer Forteza, Pfc Alex Apostol, Pfc Roger Fabillar, Pfc Michael Babon at Pfc Gil Guimerey at 27 iba dahil naman sa paglabag sa Section 1 ng Presidential Decree No 1829 o Obstruction of Justice
Si Dr. Co kasama sina Julio Borromeo at Sofrnonio Cortez ay napatay noong Nobyembre 15, 2010 sa Kananga, Leyte matapos silang mapagkamalang mga miyembro ng NPA.
Una nang inabswelto ng DOJ-NBI panel ang mga militar at tinuran na ang mga bala na kumitil sa buhay ni Co at mga kasamahan nito ay mula sa mga rebelde.
Pero muling bumuo ang DOJ ng lupon na nagsagawa ng re-investigation kung saan ngayon ay pinakakasuhan na ang mga myembro ng Phil Army.