Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Mixers 2 dikit na panalo

$
0
0

UMUPO sa bench si San Mig Coffee Mixers import Denzel Bowles may 1:42 minuto na lang ang nalalabing oras sa final canto dahil natamo nito ang kanyang ika-anim na foul.

Kaya naman para maalagaan ang lamang ng Mixers ay tumikada ng tig isang importanteng tres sina local players PJ Simon at James Yap upang higupin ang ikalawang sunod na panalo ng San Mig Coffee.

Nakaipon ng 23 puntos na kalamangan ang Mixers kaya kahit isang matinding rally ang ginawa ng GlobalPort Batang Pier sa endgame ay hindi na sila umabot.

Bumira si Simon ng 19 puntos habang 18 ang inambag ni Bowles upang kaldagin ng Mixers ang Batang Pier, 91-84 sa PBA Commissioner’s Cup elimination out-of-town game sa Jesse M. Robredo Coliseum sa Naga City kagabi.

Hiyawan ang mga fans ng makita ang ginawang slamdunk ni reigning Best Import Bowles mula sa assist ni James Yap para sa 46-23 abante ng San Mig may 3:09 minuto sa second quarter.

Nagsumite sina Yap at Joe Devance ng tig 15 points para itala ng Mixers ang 2-3 panalo-talo karta at umakyat sa fifth to seventh places kasama ang Talk ‘N Text Tropang Texters at Meralco Bolts.

Lumagapak naman ang batang Pier sa pang-walong puwesto akay ang 2-4 win-loss slate.

Dahil sa pagkatalo ng Batang Pier ay nanganganib na mapalitan si import Justin Williams na napabalita na rin nakaraan na balak kumuha ang GlobalPort ng kapalit nito.

Kumana lang ng 11 puntos si Williams sa likuran nina Gary David na may 27 pts., Japeth Aguilar na kumana ng 21 pts. at So, Mercado na nagsumite ng 19 puntos.

Samantala, magkakalusan ngayong hapon ang Barako Bull Energy Cola at Boosters sa alas 4:15 at pagkatapos ay banggaan ang Rain or Shine Elasto Painters at Barangay Ginebra San Miguel na ilalaro pareho sa Smart Araneta Coliseum sa Queazon City.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>