Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Binatilyo niratrat ng sekyu sa Cavite, todas

$
0
0

NAGKABUTAS-BUTAS ang katawan ng isang binatilyo nang pasabugan ng improvised shotgun ng security guard ng isang subdibisyon sa Cavite, Biyernes ng madaling araw.

Dead on arrival sa Our lady of Pillar Hospital sa Imus City ang biktima na si Vladimir Teves Jr, 19-anyos residente ng Villa Celina Subdivision sa Imus, Cavite, dahil sa tinamong shrapnels sa iba’t ibang parte ng katawan

Naaresto naman agad at sasampahan ng kasong homicide ang suspek na si Richard Marto na ngayon ay nakakulong na sa Imus PNP.

Naganap ang insidente dakong ala-1:20 ng madaling araw sa loob ng naturang subdibisyon sa Barangay Bayan Luma 7, Imus.

Ayon kay P/Supt. Romeo Desiderio, spokesman ng Cavite provincial police office, sa hindi pa malamang dahilan ay nagtalo ang biktima at ang suspek.

Sa gitna ng pagtatalo, itinutok ng suspek ang kanyang 12-gauge shot gun at pitong beses na pinaputukan ang biktima na agad tumimbuwang sa kalsada.

Hawak pa ng suspekt ang kanyang shot gun nang magsidatingan sa lugar ng krimen ang mga imbestigador na agad namang kinumpiska.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


NANLUMO


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


Suspek sa pagkakasagasa sa mag-ama, kinasuhan na


Pawnshop sa Iloilo City hinoldap


KALIWA’T KANAN ANG ILIGAL NA PASUGALAN ‘DI MATINAG


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Luha Ng Buwaya


Mga kasabihan at paliwanag


BUSABOS


SARILI


5 rice trader kinasuhan ng smuggling


4-anyos anak minolestiya ng tatay


Chinese tourists balot na balot vs nCoV


RTC Quezon City, Pasay City convict four employers for non-remittance of SSS...


Ina Raymundo, nilayasan ng asawa


Pulis ‘Lubog’ sinabon ni NCRPO dir. Albayalde


Tundo Man May Langit Din


SULASOK


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>