NANGANGANIB umano ang ng modelong si Deniece Cornejo sa kustodiya ng Bureau of Jail and Mangement (BJMP).
Ayon sa abogado ni Cornejo na si Atty. Ferdinand Topacio, baka pagdiskitahan siya ng umano’y mga fans ni Vhong Navarro sa nasabing piitan.
Dahil dito, mananatili muna sa kustodiya ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si Cornejo.
Nakatakda pang dinggin ang mosyon ni Cornejo sa August 13 kaugnay sa hirit nitong huwag mailipat sa Taguig City Jail.
Ito’y may kaugnayan sa kasong serious illegal detention at grave coercion na kinakaharap ni Cornejo kaugnay sa pambubugbog kay Navarro.
Giit pa ng abogado, hindi pa naman preso si Cornejo dahil hindi pa ito nahahatulan kaya ito’y inosente pa’t hindi dapat ikulong sa karaniwang kulungan.
Binigyang-diin naman ni Atty. Topacio na walang special treatment na natatanggap si Cornejo habang nasa kustodiya ng CIDG. Johnny F. Arasga