POSIBLE aabot sa 30 hanggang 50 centavos kada kilowatt hour ang idadagdag sa singil ng kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan.
Ang pagtaas ng singil ng kuryente ay bunsod ng pagtaas ng generation charge at iba pang charges.
Maliban sa dagdag-singil ng Meralco, ay ipatutupad na rin ngayong buwan ang mahigit apat na sentimong universal charge na sisingilin ng National Power Corporation (NAPOCOR).
Susubukan namang harangin ng Bayan Muna partylist ang pagtaas ng singil sa pamamagitan ng paghingi ng tulong sa Energy Regulatory Commission (ERC). Johnny F. Arasga