Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

900 bagong pulis, ipapakalat sa MM vs krimen

$
0
0

TINATAYANG aabot sa 900 bagong recruit na pulis ang ipapakalat sa mga pangunahing lugar ng Metro Manila at crime-prone areas sa susunod na buwan.

Ito ang sinabi kahapon ni Interior and Local Government Sec. Mar Roxas bilang pagpapaigting sa kampanya ng PNP kontra kriminalidad, lalo na sa Metro Manila.

Ito ay nang matapos ang meeting nitong nakalipas na Miyerkules nina Roxas, PNP chief Director General Allan Purisima at NCRPO chief Director Mel Valmoria sa PNP headquarters sa Camp Crame, Quezon City.

“Kailangan nating lalong paigtingin ang kampanya laban sa kriminalidad dito sa Metro Manila kung saan maraming naiuulat na kaganapan na tulad ng robbery at holdap, pickpocketing, snatching, at iba pang petty crimes,” ani pa ni Roxas.

“Kailangan natin ng isang full court press, kung baga sa basketball, laban sa mga kriminal na ito, organisado man o hindi,” dagdag pa nito.

Sinabi ni Purisima at Valmoria na tinatayang aabot sa 100 PNP personnel mula sa NCR’s Regional Public Safety Battalion ang itatalaga para tumulong sa mga lokal na pulis sa pagpapatupad ng Oplan Lambat o ang pagtatalaga ng checkpoints sa ilang lugar sa Metro Manila.

Iniutos din ni Roxas sa PNP na pumili ng ilang grupo ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group at PNP Intelligence Group na hahabol sa mga notorious crime group sa Metro Manila. Santi Celario


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>