BILANG bahagi ng paghahanda para sa pinakaaabangang Papal visit, naglunsad ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng isang website para sa nakatakdang pagbisita ng Santo Papa sa bansa sa Enero.
Nabatid na ang website na PapalVisit.ph ay kinatatampukan ng countdown clock, updates at mga statements hinggil sa pagbisita sa ilalim ng temang “Mercy and Compassion.”
Matatagpuan rin sa website ang National Prayer for the Papal Visit at ang video ng official theme song ng papal visit na “We are All God’s Children” at maging ang link nito sa Facebook at Twitter accounts.
Si Pope Francis ay nakatakdang bumisita sa bansa sa Enero 15 – 19, 2015 matapos ang pagbisita niya sa Sri Lanka.
Inaasahang lilibutin ng Santo Papa ang ilang bahagi ng Metro Manila at dadalawin ang mga naging biktima ng mga bagyo at lindol sa bansa. Macs Borja