TINIYAK ng Department of Health (DoH) sa publiko na walang dapat ikabahala dahil wala pa namang pumapasok na ebola virus sa bansa.
Ayon kay Dr. Lyndon Lee Suy, bagama’t may anim na OFW na mula sa Saudi Arabia na mino-monitor ay negatibo naman ang mga ito sa naturang virus.
Payo ng DoH, mas makakabuti pa ring manatiling malinis sa katawan upang hindi kapitan ng ebola virus o iba pang mga sakit. Jocelyn Tabangcura-Domenden