SUGATAN ang 14 katao matapos mabangga ng bus ang isang jeep sa EDSA at Ayala Avenue, Makati City, kaninang umaga.
Nabatid na galing sa terminal sa Forbes Park ang jeep (NVE 969) nang magpumilit tumawid ng EDSA kahit naka-red light na, dahilan para masalpok ng Claro Trans (UYE 279).
Agad dinala sa ospital ang mga sugatan. Gina Roluna