Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Utang ng Pilipinas P6-trilyon na

$
0
0

NASA P6-trilyon na ang utang ng Pilipinas pagsapit ng 2015.

Kinumpirma ito ni Finance Secretary Cesar Purisima sa paglarga ng pagsisimula ng budget deliberations para sa 2015 General Appropriations Bill (GAB) na P2.606-trilyon.

Sinabi ng kalihim na dahil sa mangungutang ang Pilipinas ng mahigit sa P700.8-bilyon para matustusan ang P283.7-bilyong budget deficit at pantustos sa maturing obligations ng gobyerno ay aabot na aniya sa P6.596-trilyon ang projected total borrowings sa susunod na taon.

Agad namang kinuwestyon ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares ang ganitong polisiya ng gobyerno na mangutang nang mangutang ng malaki gayong mayroon namang savings o unused funds ang gobyerno gaya ng mga naunang ipinagmalaki ng administrasyong Aquino.

Subalit paglilinaw agad ni Budget Secretary Butch Abad na hindi pa nila masasabi sa ngayon kung magkakaroon nga ng savings ang gobyerno sa susunod na taon.

Premature pa aniyang magtaya na sila ng savings ngayon samantalang ang intensyon ng ehekutibo ay gastusin ang kabuuang alokasyon na inaprubahan ng kongreso.

Kasabay nito ay ipinagmalaki ni Abad na kumpara sa mga nakaraang budget, ang panukala para sa pambansang pondo sa 2015 ay nabuo aniya mula rin sa boses ng taumbayan dahil malaking bahagi umano ng 2015 budget ay mas tumutok sa mga programa para sa mga mahihirap at pagbibigay ng mas maraming oportunidad.

Sa ilalim ng P2.606-trilyong 2015 budget, pinakamalaki pa rin ay mapupunta sa Social Services na aabot ng P967.9-bilyon.

Para sa Conditional Cash Transfer program, ang ilalaang pondo para sa 2015 ay P64.7-bilyon na mas mataas kaysa P62.6-bilyon para sa taong ito kung saan tinatarget matulungan ang 4.3-milyong pamilya.

Nilinaw din ni Abad na maliit lamang ang lump sum sa ilalim ng 2015 budget taliwas aniya sa napaulat na P501-bilyon ang lump sum na nasa ilalim ng special purpose funds (SPF) ng 2015 proposed budget dahil ang totoo aniya ay nasa 1.8% ng P2.606-trilyon ang masasabing lump sum sa ilalim ng SPF.

Kasamang humarap nina Abad at Purisima sa House Committee on Appropriations ang mga miyembro ng economic cluster ng gabinete na bumubuo sa Development Budget Coordinating Council NEDA Director General Arsenio Balisacan at Bangko Sentral Governor Amando Tetangco, Jr.

Ang 2015 GAB ay mas mataas ng 15.1% kumpara sa pondo ng gobyerno ngayong 2014 kung saan ang pangunahing 10 ahensya na may pinakamalaking alokasyon ay ang DEPED, DPWH, DND, DILG, DSWD, DOH, DA, DOTC, DENR at ang hudikatura.

Target ng Kamara na maaprubahan ang budget bago magtapos ang buwan ng Setyembre para masiguro na mapagtitibay ito ng dalawang kapulungan ng Kongreso bago magtapos ang kasalukuyang taon. Meliza Maluntag


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>