GUILTY ang desisyon ng korte sa 12 Chinese poachers na lulan ng FV Min Long Yun na sumadsad sa Tubbataha Reef, Abril 2013.
Sa desisyon, malinaw na walang permiso o anomang kaukulang dokumento ang mga ito nang sila ay sumadsad sa Tubbataha.
Lumalabas din na hindi kapani-paniwala ang pahayag ng mga ito na hindi nila alam ang kanilang lokasyon.
Ang 12 ay guilty sa kasong paglabag sa Section 27 o poaching by foreigners ng Republic Act 10067 o Tubbataha Reef Natural Park (TRNP) Act.
Sila ay hinatulan ng pagkakakulong ng anim hanggang 10-taon bukod pa sa multang $100,000 kada isa.
Matatandaan na Abril 2013 nang mahuli ang mga Chinese poacher kasama ang mga nadiskubreng kahon-kahong pangolin sa kanilang sumadsad na barko. Gina Roluna