Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Atty. Gigi mananatili sa BJMP compound

$
0
0

MANANATILI sa BJMP compound sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City ang isa sa mga pangunahing akusado sa pork barrel scam na si Atty. Gigi Reyes.

Ito’y makaraang ibasura ng 3rd Division ng Sandiganbayan ang mosyon ng kampo ni Reyes na mailipat siya sa PNP Custodial Center sa Kampo Crame.

Batay sa ipinalabas na desisyon ng Anti-Graft Court, walang sapat na dahilan upang pagbigyan ang hiling ni Reyes dahil kailangang ikulong ang akusado sa isang kaso sa kulungang nasa ilalim ng BJMP sang-ayon sa batas.

Nakasaad din sa resolusyon ng Sandiganbayan na hindi umubra ang argumento ng kampo ni Reyes hinggil sa kanyang kondisyong medikal upang maging dahilan ng paglipat nito ng kulungan.

Makakasama na ni Janet Lim-Napoles at Atty. Gigi Reyes ang modelong si Deniece Cornejo sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Ito’y matapos ibasura ng Taguig Regional Trial Court ang petisyon ni Cornejo na manatili sa PNP-CIDG Detention Cell sa Camp Crame.

Kasabay nito ay ibinasura din korte ang apela ng kampo ni Cedric Lee at Simeon Raz at ipinag-utos rin na mailipat ang dalawa sa Camp Bagong Diwa.

Nahaharap ang tatlo sa kasong illegal detention kaugnay sa pambubugbog sa komedyanteng si Vhong Navarro. Johnny F. Arasga


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>