KINALTASAN ng pondo ni Pangulong Noynoy Aquino ang Senado habang dinagdagan ang sa Kamara de Representantes sa susunod na taon.
Batay sa P2.606-trillion 2015 proposed budget, umaabot na lamang sa P3.154-billion ang pondo ng Senado mula sa P3.344-billion ngayong 2014.
Hindi naman malinaw kung ang pagbabawas sa pondo ng Senado ay kasunod ng pagkakadetine kina Senador Juan ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla, Jr. na pawang nahaharap sa kasong plunder at graft dahil sa pork barrel fund scam.
Samantala, dinagdagan naman ng Pangulo ng P221-million ang pondo ng kongreso sa susunod na taon o kabuuang P6.846-billion mula sa kasalukuyang budget na P6.625-billion. Johnny F. Arasga