HINIMOK ng mga kongresista ang administrasyong Aquino na gumamit na ng diplomatic channels sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA) para masolusyunan ng mapayapa ang Sabah standoff.
Apela nina Zamboanga City Rep. Ma. Isabelle Climaco at Maguindanao Rep. Simeon Datumanong na kailangan ng gumamit ang pamahalaan ng diplomasya sa ikalulutas ng isyu sa Sabah.
Makabubuti anila sa gob yerno kung magkakaroon ng diplomatikong kasunduan sa pagital ng Malaysia at mga tauhan ng Sulu Sultanate upang maiwasan ang paglala ng sitwasyon sa pinag-aagawang lugar.
Hanggang Biyernes na lamang ang ibinigay na palugit ng Malaysian authorities sa Royal Security Forces ng Sultanate of Sulu at North Borneo para lisanin ang Sabah.
Samantala, nanawagan naman si House Assistant Majority Leader at Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles sa media na maghinay-hinay sa pagbabalita kaugnay sa isyu tension ngayon sa Lahad Datu, Sabah na kinasasangkutan ng mga tauhan ni Sultan Jamalul Kiram III at Malaysian security forces.
Mungkahi pa ni Nograles na panahon na rin upang buksan muli ng administrasyong Aquino ang diskusyon ukol sa pag-angkin ng Pilipinas sa Sabah..
“This is not just a matter of private concern. It certainly touches on complicated issues like diplomacy and national security,” ani Nograles.