Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Brgy. Ginebra bokya pa rin sa PBA

$
0
0

KAHIT dumating ang bagong import ng Barangay Ginebra San Miguel ay hindi pa rin sumapat upang ilista ang kanilang unang panalo.

Tumungga lang ng 16 puntos si Ginebra import Vernon Macklin kaya nalasap nila ang 69-84 kabiguan laban sa Alaska Milk Aces kagabi sa out-of-town PBA Commissioner’s Cup sa Mindanao Civic Center sa Tubod, Lanao del Norte.

Ayon kay Aces coach Lugi Trillo naging sentro ng kanilang depensa si Ginebra MVP Mark “the Spark” Caguioa para kunin nila ang malinis na 4-0 record.
Dahil sa pagkatalo ng crowd favorite Ginebra ay nabaon sila sa ilalim ng team standings na may 0-4 karta.

Si Aces import Carlos Dozier ay naka-21 puntos nakakuha ito ng suporta kina Sonny Thoss at Gabby Espinas na may binirang 16 at 10 puntos upang manatiling nagsosolo sa unahan.

Samantala, pakay ng Talk ‘N Text Tropang Texters na kunin ang ikatlong sunod na panalo mamayang ala-6:30 ng gabi.

Makakalaban ng Tropa ang nanggigil na ring makasungkit ng unang panalo na San Mig Coffee Mixers na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum.

May 2-1 baraha ang TNT habang bokya sa tatlong laban ang Mixers.

Sa pambungad na laro ng alas-4:15 ay haharapin ng GloblPort Batang Pier ang Meralco Bolts.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>