IBINASURA ng Court of Appeals (CA) ang petisyon ng Don Mariano Transit Corporation hinggil sa pagkakansela ng prangkisa nito na ipinataw ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB).
Batay sa ipinalabas na resolusyon ng CA, sinabi nitong premature pa ang apela ng DMTC dahil may nakabinbin pa itong apela sa Dept. of Transportation and Communication (DOTC) na hindi pa nareresolba.
Magugunitang kinansela ng LTFRB ang prangkisa ng Don Mariano makaraang masangkot ito sa magkakasunod na aksidente na nangyari noong 2012 at 2013 na ikinamatay ng maraming mga sibilyan.
Ikinagalak naman ito ni LTFRB Chairman Winston Ginez. Johnny F. Arasga