KALABOSO ang apat na binata matapos maaktuhang gumagamit ng shabu sa Caloocan City Sabado ng hapon, Agosto 2.
Kinilala ang mga suspek na sina Mark Anthony Obanil, 25; Charlie Cortez, 23 kapwa ng Cabatuhan; Melvin Castañeda, 20 at Albert Santos, 26 kapwa ng Natividad subd., pawang ng lungsod.
Sa ulat, alas-4:30 ng hapon ng may magsumbong sa mga tauhan ng Department of Public Safety and Traffic Management na gumagamit ng shabu ang mga suspek sa Cabatuhan St., ng lungsod.
Nang puntahan ay naabutan pa ng mga tauhan ng DPSTM ang paggamit ng shabu ng mga suspek na naging dahilan upang paligiran at hindi na nakaporma ang mga huli nang pagdadambahin ng mga una bago dinala sa presinto.
Nakuha sa mga suspek ang mga paraphernalia sa pagsinghot ng shabu. Rene Manahan