Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Labi ng lolo, sa tabi ng bahay inilibing

$
0
0

INAANTABAYANAN na ang paglabas ng resulta ng autopsy bukas, Lunes para malaman kung bakit ganun na lamang ang pag-iwas ng mag-ina sa nangyaring paglilibing ng bangkay ng isang 80-anyos na lolo sa tabi ng kanilang kubo.

Nanatili pa ring mainit na usapin sa mga iba’t ibang personalidad sa probinsya ng Ilocos Sur ang lihim na pagbaon sa lupa sa 80-anyos na lolo ng kanyang mga kaanak sa Barangay Guimod, bayan ng Bantay.

Mainit na pinag-uusapan ngayon kung ano ang pwedeng maisampang kaso sa mag-ina na promutor sa paglilibing ng lolo.

Ayon kay presiding judge Francisco Ante ng Municipal Trial Court (MTC) ng lungsod ng Vigan, batay sa Revised Penal Code of the Philippines, wala umanong nilabag ang pamilya ng matanda sa umano’y pagbaon sa kanyang bangkay sa mismong tabi ng kanilang munting kubo.

Subalit kapag napatunayang may foul play sa pagkamatay ng matanda sa paglabas ng resulta ng autopsy sa Lunes, maaring makasuhan ang anak ng matanda na si Lenita Inong at ang kanyang asawa sa kasong parricide.

Ayon naman kay Atty. Ronnie Rapanut, professor ng University of Northern Philippines at dating bokal ng unang distrito ng probinsya, negatibong may maisampang kaso sa mag-ina ngunit kung ibabatay naman sa special laws ng bansa, nilabag umano ng mag-ina ang Sanitation Code of the Philippines na naglalayong protektahan ang kalusugan ng bawat tao.

Magugunitang noong isang araw lamang ay pinahukay ng anak ng matanda na si Marissa Padron ang bangkay nito matapos itinawag ng kanyang ina sa bagay na kanilang ginawang pagbaon sa bangkay.

Napag-alamang hindi tumupad ang ina ni Marissa sa ipinangakong babalik ngayong araw sa probinsya dahil hanggang ngayon ay wala pa. Johnny F. Arasga


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>