PINAGKALOOBAN ng malaking pagkilala ng Department of Health-National Capital Region (DOH-NCR) ang lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Navotas.
Sa pamumuno ni Mayor John Rey Tiangco, agad nilang tinungo ang Eastern Samar noong nakaraang taon matapos ang pananalanta ng bagyong Yolanda.
Ang naturang pagkilala ay dahil sa kanilang hindi matatawarang pagtulong sa nasabing probinsya na labis na sinalanta ng nasabing kalamidad.
Dahil dito, hinirang na “Unsung Heroes: TY Yolanda Responders” ang nasabing siyudad dahil sa mabilis na pagresponde partikular ang pagsasagawa ng mga clearing, cleaning at relief operation sa nasabing lugar. Roger Panizal