IPINABUBUSISI ng kampo ni pork barrel fund scam queen Janet Lim-Napoles na i-subpoena ng korte ang lahat ng travel records ng whistleblower na si Benhur Luy.
Ayon kay Atty. Stephen David, abogado ni Napoles, nakatanggap sila ng impormasyong nagtungo si Luy sa Europa gayung maliit lamang ang sinusuweldo nito sa JLN Corporation.
Sa pagpapatuloy ng bail hearing sa Sandiganbayan 1st Division, kinuwestyon ni David kung saan nakuha ni Luy ang perang ginastos niya sa kanyang pagliliwaliw.
Binigyang-diin pa ni David na hindi kakayanin ng isang empleyado tulad ni Luy ang makabiyahe sa Europa dahil sa kamahalan ng gastos gayung nagtatrabaho bilang yaya ni Napoles ang kanyang ina na si Gertrudes. Johnny F. Arasga