PATAY ang isang ilaw ng tahanan, habang naospital naman ang asawa nito, tatlong anak at sanggol na apo matapos malason sa kinaing isda sa Sagay City, Negros Occidental.
Kinilala ang binawian ng buhay na si Elsie Bayona, 67, ng Hacienda Albina, Purok Kalubihan, Brgy. 1 sa nasabing lungsod.
Nabatid na nagsuka at nagtae ang biktima matapos kumain ng isdang tuloy bilang tanghalian.
Patuloy namang ginagamot sa Vicente Gustilo Memorial District Hospital sa Escalante City ang mister nito na si Melchor, 64; mga anak na sina Ronilo, 33; Ronald, 29; at Maricel, 25; kasama na ang apong isang taon at siyam na buwang gulang pa lamang. Gina Roluna