HINDI pa man naisasapinal ang draft ng Bangsamoro Basic Law (BBL), may inilaan nang pondo ang pamahalaan para rito.
Ayon kay Budget Secretary Florencio Butch Abad, isinama nila sa panukalang pambansang budget para sa susunod na taon ang pondo para sa papalit sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na nagkakahalaga ng P2.7-bilyon.
Sasaklawin nito ang ilang phase bago tuluyang maitatag ang bagong Bangsamoro Basic Entity tulad ng preparation, normalization, gayundin ang pagbibigay ng basic services sa mga Bangsamoro.
Gayunman, kumpiyansa si Abad na mas malaking pondo ang maghihintay sa sandaling maipasa na ang BBL at maitatag na ang bagong Bangsamoro Basic Entity. Johnny F. Arasga