NAKAPASOK na sa third and final reading ang dalawang panukalang batas na magtataguyod na gawing mas maging accessible lalo na sa mga mahihirap at working students ang edukasyon.
Batay sa pahayag nina Sen. Pia Cayetano, chairperson ng Senate committee on education, arts and culture at senators Sonny Angara, Antonio Trillanes IV ang naging co-sponsors ng Senate Bill 2274 o An Act to Expand Access to Education Through Open Learning and Distance Education at Senate Bill 2272 o Ladderized Education Act of 2014.
Sa ilalim ng ladderized system, dapat na bigyan ng pagkakataong makapagtrabaho ang mga naka-graduate at nakatanggap ng certificate ng dalawang taon sa technical-vocational training.
Sa ilalim ng Senate Bill 2274, mabibigyan naman ng tiyansa ang mga estudyante na makapag-aral kahit na hindi na pumunta sa eskwelahan basta’t nakumpleto nito ang designed materials at methods na itinakda ng Deparment of Education (DepEd) o ng Commission on Higher Education (CHED). Johnny F. Arasga