NAALARMA na ang Department of Health (DoH) sa patuloy na pagsipa ng bilang ng mga nagkakasakit ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) na nakapagdudulot ng sakit na AIDS.
Ayon kay Dr. Eric Tayag, Hepe ng National Epidemiology Center ng DoH, 16 na bagong kaso ng HIV ang kanilang naitatala sa araw-araw ngayong taon.
Sa tala ng Philippine HIV and AIDS Registry, aabot sa halos 500 bagong kaso ng HIV ang naire-report na, 15% ang itinaas nito sa kaparehong panahon noong taong 2013.
Dahil dito, aabot na sa mahigit 2,000 ang kabuuang kaso ng HIV sa unang anim na buwan ng taong ito habang mahigit sa 19,000 naman ang naitala mula noong 1984 hanggang sa kasalukuyan. Johnny F. Arasga