BINABANTAYAN pa rin ng PAGASA ang namumuong sama ng panahon na huling namataan sa 990 kilometro sa Silangan ng Appari, Cagayan.
Sinabi ng PAGASA na umiiral at nakaaapekto sa Southern Luzon ang monsoon trough (trap).
Kaugnay nito ay maaaring makaranas ng paminsan-minsang pag-ulan ang Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region at Western Visayas.
Bagama’t malayo ang LPA, pinag-iingat pa rin ng PAGASA ang mga maglalayag sa Western seaboard ng Southern Luzon at Eastern Seaboard ng Visayas at Mindanao, laban maalong lagay ng karagatan at matataas na alon na maaaring umabot sa 4.5 meters. Johnny F. Arasga