NASAKOTE ang isang bilanggo na kasama sa walong tumakas sa kulungan sa bayan ng Gumaca sa lalawigan ng Quezon.
Sa inisyal na impormasyong ipinarating ni PO1 Danyes, sinabi nito na walong mga inmates ang tumakas mula sa Gumaca District Jail.
Hanggang ngayon, patuloy pang tinutugis ang pito pang pang iba na pumuga na mga bilanggo.
Kinumpirma din ng PNP-Gumaca mayroon nang nahuli sa mga tumakas na bilanggo.
Naghiwa-hiwalay ang mga miyembro ng pulisya upang galugarin ang buong bayan at ang ibang lugar na maaaring pagtaguan ng mga ito. Johnny F. Arasga