IMINUNGKAHI ni Pangulong Noynoy Aquino sa mga mambabatas na isulong ang supplemental budget upang matustusan ang mga proyektong naapektuhan sa desisyon ng Korte Suprema laban sa Disbursement Acceleration Program (DAP).
Sa kanyang SONA, hindi man direktang tinukoy ang kontrobersyal na programa ay pahapyaw naman itong inungkat ng Pangulo.
Ayon sa Pangulo, dahil sa pasya ng mataas na hukuman laban sa DAP at PDAF, nakompromiso ang maraming proyekto at kailangan itong maipatupad pa rin sa pamamagitan ng supplemental budget.
Agad ihahain ang P2.606-trillion proposed national budget para sa susunod na taon. Johnny F. Arasga