MALAKI ang paniniwala ni dating Pangulong Fidel V. Ramos na malabong maisasabatas pa ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) bago bumaba sa puwesto si Pangulong Noynoy Aquino.
Ayon sa dating Pangulo, ubos na ang oras para sa administrasyon upang maisabatas ang BBL dahil hindi pa rin ito nakapapasok sa kongreso.
Pinayuhan din ni Ramos ang administrasyon na iwasan ang pagkakamali at kailangang magdoble-kayod kung talagang nais nitong maging mapayapa ang Mindanao mula sa marahas at masalimuot na pamumuhay sa kamay ng mga armadong grupo.
Nauna nang binigyang-diin ng Pangulong Aquino sa kanyang naging SONA na kinakailangang maging maingat sa bawat detalye ng nasabing panukala at tiyaking dapat maging katanggap-tanggap ito sa lahat ng panig. Johnny F. Arasga