LUMA, pamilyar at rehash ng mga pinagsama-samang mga naunang talumpati ni Pangulong Benigno Aquino III ang nilalaman ng kanyang pang-limang State Of the Nation Address (SONA) sa Batasan Complex, Quezon City.
Pasasalamat sa benepisyong dulot ng Disbursement Acceleration Program (DAP) ang pambungad ni Pangulong Aquino sa kanyang talumpati na umabot sa isang oras at 34-minuto.
Gaya ng inaasahan ay ipinagmalaki ni Pangulong Aquino ang benepisyong idinulot ng Disbursement Acceleration Program (DAP) sa larangan ng edukasyon kung saan ay tinukoy nito ang benepisyong ibinigay ng DAP sa TESDA kung saan ay gumamit ng P7,155 kada isang scholar.
Sa kabilang dako, pinahaba ang SONA speech sa pamamagitan ng pagsingit ng mga audio visuals sa bawat usapin na binanggit ng Pangulong Aquino sa kanyang SONA.
NAGBIGAY na si Pangulong Aquino ng kuwalipikasyon ng susunod na ihahalal ng kanyang mga boss sa pagtatapos ng kanyang termino sa 2016.
“Iisa langa ng batayan sa pagpili ng papaliot sa akin: Sino ang walang dudang magpapatuloy sa transpormasyong ating isinakatuparan. Ito ang aking ika-5 SONA. Isa na lang ang natitira. Sa 2016, pipili kayo ng bagong pinuno,” anito.
Mistulang namamaalam namana ito sa pagsasabing isa na amang ang kanyang natitirang talumpati dahil mamimili na ang mga ito ng susunod na pinuno ng bansa.
‘Kayo ang Boss, kayo ang lakas, kayo ang gumagawa ng pagbabago, kaya kayo rin ang magpapatuloy nito’.
Ihahain na bukas ni Pangulong Aquino ang panukalang P2.606-trillion national budget.
Ang budget na ito ay para sa susunod na taon.
Maluha-luha at garalgal ang boses ni Pangulong Aquino nang pasalamatan nito ang mga personalidad na sa tingin niya ay tunay niyang kakampi at kaalyado.
Kitang-kita na napaiyak ang kanyang presidential sister na si Kris Aquino na dumalo sa SONA. Kris Jose