Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

SONA, ‘di aabot ng isang oras

$
0
0

HINDI aabot ng isang oras ang magiging talumpati ni Pangulong Benigno Aquino III para sa kanyang panglimang State Of the Nation Address (SONA).

Ayon kay Press Secretary Herminio “Sonny”  Coloma, Jr., diretso ang magiging talumpati ng Pangulong Aquino at walang magiging “palabok” at magiging conversational dahil hangad nito na maintindihan ng kanyang mga boss ang kanyang mga sasabihin.

Noong nakaraang taon ay tumagal ng isang oras at 45-minuto ang talumpati ni Pangulong Aquino dahil sa palakpak at footage ng kanyang mga testimonya hinggil sa mga ordinaryong mamamayan.

Posibleng talakayin ng Chief Executive ang usapin hinggil sa inclusive growth, Priority Development Assistance Fund (PDAF) habang iiwas na ang Punong Ehekutibo na pag-usapan ang kontrobersiyal na Development Assistance Program (DAP).

Maaasahan naman ng publiko ang audio-visual o Powerpoint presentation para suportahan ang kanyang talumpati.

Ang Pangulong Aquino ay magsusuot ng Paul Cabral barong Tagalog, na sasamahan naman ng kanyang mga kapatid na presidential sisters na sina Maria Elena “Ballsy” Aquino-Cruz, Aurora Corazon “Pinky” Aquino-Abellada, Victoria Elisa “Viel” Aquino-Dee at TV host/actress Kris Aquino.

Ang lahat ng miyembro ng gabinete ay inaasahang dadalo sa napakahalagang event na ito.

Samantala, sinabi pa rin ni Coloma na nagkita at nananghalian ang lahat ng miyembro ng gabinete ni Pangulong Aquino sa tanggapan ni Social Welfare Secretary Corazon “Dinky” Soliman at pagkatapos ay didiretso sa Batasang Pambansa complex, sa Quezon City. Kris Jose


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>