Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Private and public employees, may pasok sa SONA

$
0
0

MAY pasok ang mga empleyado ng pribado at gobyerno sa darating na Lunes, Hulyo 28, araw ng State Of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, walang napagkasunduang desisyon sa pagdeklara na walang pasok ang mga manggagawa sa bansa lalo na sa Quezon City.

Tanging ang mga eskwelahan lamang na nasa bisinidad ng Batasan Hills, QC ang suspendido.

“The classes have been suspended to make way for the influx of people who will be going to Batasan,” ayon kay Usec. Valte.

Sinabi pa rin ng opisyal na kahit naman aniya may pasok ang mga empleyado at manggagawa sa araw ng SONA ng Pangulong Aquino ay maaari namang marinig ng mga ito ang magiging talumpati ng Chief Executive.

“Iniimbita po natin iyong ating mga kababayan na makinig po kayo sa radyo, manood po tayo sa TV, siguro po sundan po natin sa social media; ila-live tweet po ng Official Gazette iyong SONA ng Pangulong Aquino at para marinig po natin ang sasabihin ng Pangulo at maging maalam iyong ating pakikipag-usap sa ating mga kaibigan at sa ating pamilya tungkol sa lalamanin ng SONA ng Pangulo,” ani Usec. Valte. Kris Jose


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>