KINATIGAN ng Malakanyang ang posisyon ni Senador Nancy Binay na hindi pa off-the-hook si Sec. Abad sa P90-billion na halaga ng DAP na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin alam kung saan napunta.
Ani Usec. Abegail Valte, wala namang nag-iisip sa kahit na kaninuman sa kanila na absuwelto na agad si Sec. Abad dahil lamang nagpaliwanag ito sa Senate hearing ukol sa DAP.
“No one is thinking that we’re out of the woods or that we’re off the hook. In fact, hinahanda nga po ng DBM iyong listahang hiningi po ni Senator Binay tungkol po doon sa regular savings,” aniya. Kris Jose