Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Sa nalalapit na 16th congress, BBL minamadali na

$
0
0

MINAMADALI na ni Pangulong Benigno Aquino III ang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Sa katunayan ay binigyan niya ng panahon na pulungin ang Bangsamoro Transition Commission para maayos ang ginagawang revisions sa draft ng BBL.

“Is it safe to say that some of the proposed revisions reflected the concerns of the President. And that was put forward.The President really gave time to meet with the Bangsamoro Transition Commission dahil in-express niya iyong kanyang fervent — genuine commitment at lahat ng kanyang readiness na talagang maipatupad, na maisabatas — put into law iyong mga political commitments in the Comprehensive Agreement on the Bangsamoro,” ayon kay Office of the Presidential Adviser on the Peace Process Teresita Deles.

Nais aniya kasi ni Pangulong Aquino na mailabas ang lahat ng concerns at malagay ang urgency sa BBL dahil na rin sa pagbubukas ng 16th Congress sa Lunes, Hulyo 28, araw ng State Of the Nation Address (SONA) ng Punong Ehekutibo.

“Congress is just re-opening; Congress will be involved in reorganizing and all of that. The President stressed that it’s important to bring it to Congress as early as possible but at this particular time, kung tanungin mo, yes, I would say that kaya pa ito,” paniniyak ni Sec. Deles.

Aniya, wala namang nagtatangkang ilatag ang kagustuhan na i-renegotiate ang BBL dahil ang pagiging usad-pagong ng BBL ay ang problema sa interpretasyon kung paano ilalagay sa legal form ang political agreement.

Inamin nito na ito ang aspetong maraming deperensya at sa kanya aniyang pagkakaunawa ay ito ang nangangailangan ng mas mahabang panahon upang plantsahin.

Iyon nga lamang aniya, ang importante sa puntong ito ay nang mailabas nila ang sinabi ng Pangulo na “point of view” ng magkabilang panig.

“Well, the President said, baka ang kailangan nga in this process, since we are partners here, that we walk in your shoes and you walk in our shoes. Maybe we can have a process na tinitingnan niyo iyong concerns namin at, on our part, we will look at your concerns so that we can find the fastest resolution on the issues that are not — that is not a moving away or diluting political agreements that have already been signed, but are issues about what should now be put in the law,” anito. Kris Jose


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>