INIUTOS ng Sandiganbayan 3rd Division ang paglipat sa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang itinuturong pork barrel fund scam na si Janet Lim-Napoles.
Sinabi ni Sandiganbayan 3rd Division Clerk of Court na si Atty. Dennis Pulma, kailangang maipatupad agad ng BJMP ang order to transfer kay Napoles sa Camp Bagong Diwa sa Taguig mula sa Fort Sto.Domingo sa Sta. Rosa, Laguna.
Sa naging desisyon ng Sandiganbayan justice, dapat lamang umanong nakakulong si Napoles sa isang regular detention facility.
Kasalukuyang nasa Sandiganbayan si Napoles para sa kanyang bail hearing subalit huli itong dumating na naging dahilan sa pagkagalit ng mahistrado na dumidinig sa kanyang kaso.
Si Napoles ay nahaharap sa kasong plunder at graft charges.
Nabatid na makakasama umano ni Atty. Gigi Reyes, ang dating chief of staff ni Senator Juan Ponce Enrile, si Napoles sa female dormitory ng Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig.
Samantala, bandang alas-2:30 kaninang hapon nang umalis sa Sandiganbayan ang convoy ni Napoles pabalik ng Fort Sto. Domingo.
Nabatid na sa Sta Rosa, Laguna na susunduin ng mga tauhan ng BJMP si Napoles para ikulong sa Female Dormitory ng Bicutan. Robert Ticzon/Gina Roluna