MULING bubuhayin ng Department of Health (DoH) ang dengue express lanes sa mga pagamutan at mga health facilities sa bansa.
Ito’y kasunod na rin nang banta ng pagtaas ng dengue cases ngayong tag-ulan.
Ayon sa DoH, sa tulong ng dengue express lanes ay mabibigyan ng agarang tulong ang mga tao na dumaranas ng naturang karamdaman.
Kung may express lanes ay agad na masusuri ng mga hospital at health workers ang mga pasyente na may sintomas ng dengue.
Matutukoy rin kaagad kung kinakailangan nilang ma-admit sa pagamutan.
Muli rin namang nanawagan ang DoH sa mga mamamayan na panatilihing malinis ang kanilang kapaligiran at dispatsahin na ang mga bagay na maaring pamugaran ng dengue-carrying mosquitoes.
Ang peak season o panahon kung kailan inaasahan ang pagtaas ng kaso ng dengue ay tuwing Agosto at Setyembre, na kasagsagan ng pag-ulan. Macs Borja